Masaya ang paligid sa atin tuwina
Ang lahat ng tao ay nahahalina
Sa simoy ng hangin na nagpapatamis
Sa ating dalawang puno ng pag-ibig
Wala nang paglagyan ang ating kasiyahan
Napuno ng labis na sarap sa pakiramdam
Hindi na alintana ang ulan na darating
Na sa liwanag ay siyang babalot ng dilim
Kaya sa ‘di inaasahan sila ay sinubok
Ang ula’y sinamahan ng kidlat at kulog
Kaya ang pag-ibig sa labis na takot
Pinulot na lamang sa madilim na sulok
Ang panahon ay madali kung ating titingnan
walang pwedeng magpatigil sa kamay ng orasan
ang ginhawa ng ligaya na dati mong naramdaman
parang dahong nalalaglag sa tangkay ng kapalaran.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento