Lumaktaw sa pangunahing content

Ang Propesiya


Noo’y halos ‘di na ako makahinga/ sa labis na pagkapagod,
Nang lakad-takbo kong sinundan/ ang bumabagsak na bulalakaw
Wari’y alam n’yang ako’y/ sa kanya’y sumusunod
Kung kaya’t sa kalangitan/ ay agad siyang pumanaw

Halos ang mga mata ko noo’y/ nagbabanta ng lumuha
At ang pag-asa sa sarili’y/ unti-unti ng naglalaho
Bumalik na lamang ako /sa pinanggalingan kong lupa
At doon ko idinaos/ ang aking paninibugho

Subalit ako ay nabagot/ kung kaya’t muli akong umalis
At tinungo ko ang lugar/ na lunas sa kalungkutan
Dala ko ang isang boteng/ sa katawan koy siyang langis
Ang unang tikim ang hahagot/ sa malamig kong lalamunan

At ako’y nakarating/ sa gilid ng dalampasigan
Doon ang aking nakaraa’y/ mag-isa kong sinilip
Sa nawala kong pag-asa,/ sa labis kong panghihinayang
Ginamot ng isang boteng/ sa akin ay nagpaidlip

Nahimbing ako sa pagkakatulog/ sa mapipinong buhangin
Sa nanghahabol na takipsilim,/ hinayaan kong ako’y abutan
Ang daigdig ng pangarap/ ay aking narating
Nilakbay ko ang iba’t  ibang magagandang tahanan

Kayrami kong nasalubong,/ mga hindi ko kilala
At sila’y parang perlas/ sa aking paningin
Sa suot kong punit-punit,/sa damit nilang magaganda
Ramdam ko sa sarili ko,/ako’y tila naninimdim.

Hanggang sa aking paglalakad,/ ay aking nasalubong
Ang isang babaeng/ lubhang maamo ang tingin
Mahaba ang suot niya/, mababa ang kanyang takong
Beverly ang kanyang ngalan,/ ng sya’y aking tanungin.

Niyakag niya ako /upang siya ay samahan
Sa pagtungo sa kanyang/ minamahal na paaralan
At ng makarating kami,/ay doon ko pa lamang nalaman
Administradora pala siya/ ng City College of Calapan

Pagpasok ko doon,/ ako ay sinalubong
Ng tatlong gurong babaeng/ katataas naman ng takong
Ang sabi nila sa akin,/”hoy totoy, come on”
Sabi ko “bakit po?”/,sabi nila “you want to join”

Sabi ko” di ko naman po/ kayo kilala
Bakit naman ako/ sa inyo sasama
At silay nagpakilala/ isa-isa sa akin
Sila pala si Mam Venus,Mam Necca at Mam Kim.

Tinanong nila ako,/ bakit daw ako pangit
Sabi ko/ “agad agad, porke damit koy punit-punit”
Sabi ni Mam Necca,/ “I mean bakit marumi ka?”
Napabuntong-hininga na lang ako,/ naisip-isip ko “yun lang pala”

Nainis ako sa tatlong guro/ kaya ako’y nagpaalam
Sabi ko mayroon akong mahalagang pupuntahan
Dali-dali akong lumabas/ sa malaking paaralan
At nang nasa labas na ako,/ haaaaay.. anong sarap sa pakiramdam
Tuloy-tuloy muli /ang aking paglalakad
Hanggang mabangga ko/ ang isang lalaking payat
Dahil maliit ako,tiningala ko sya agad
Pagtingin ko, nasabi ko, ”oh my GOD”

Tumakbo ako, subalit/ di ako makaalis
Yun pala hawak niya/ ang dulo ng aking damit
Sabi nya,/ “san ka pupunta tila ika’y nagmamadali”
Tara sumama ka sakin,/ ako nga pala si Mr. POGI.

Natawa naman ako kay sir,/ Mr. pogi raw siya
Kung sa bagay pogi nga,/di pa naman bulag ang aking mata
Dinala niya ako/ sa lugar ng pagkain
Kung saan ang manok/ nagiging espesyal na fried chicken

Sir anong pangalan nyo?/ at kanino po ito?
Sabi nya sakin ako “si Felix at ito ang aking negosyo,
Isa rin akong guro /at ng makapag-ipon-ipon
Itinayo ko itong “FLARGZ”/-The Fried Chicken’s Home”

At ng mabusog ako,/ agad-agad akong nagpaalam
Sabi ko may mahalaga pa akong pupuntahan
At nang makalabas ako,/ anong sarap sa pakiramdam
Sana ganon din ako,/ may ekstrang pinagkakakitaan

Muli kong pinagpatuloy /ang aking paglalakbay
Hanggang marating ko /ang mahabang tulay
Tumawid ako roon /ng may takot at kaba
Na may nginig saking dibdib/ at ngatog ng paa.


Pagdating  ko sa dulo/ may mga taong naghihintay
may lumuluha at ang iba/ ay nakikipagkamay
sa isip-isip ko,/ sino kaya ang patay?
At mukhang lahat sila ay nakikipaglamay

Nang tanungin ko sila/ kung bakit umiiyak
Ang sinabi nila sakin,/ lubha silang nagagalak
At ng tanungin ko sila “paano po kayo nalulungkot?”
siguro sa paghalakhak ang tiyan ninyo ay puputok.

Tumingin lahat sila sakin at isa-isang sinabi
Si Michelle, Vienna, Charline  at ang magandang si Glomarie
Sila totoy, silang apat na matatalinong babae
sa kanilang pagpupursige, nagtapos  sila ng Doctorate Degree

Sabi ko, “oh talaga po,anupang ating ginagawa”
“Hindi po ba kayo magluluto /at maghahain ng handa”
“Aba totoy,syempre naman, halika’t sumama  ka sa amin”
Ipagdiriwang natin ang tagumpay ng mga anak namin.

Halos di na ako matunawan sa rami ng aking kinain
Halo halo na ang laman ng tiyan ko,/ may spaghetti, suman at fried chicken
tumigil muna ako/ ng ilang oras sa kanila
Upang  kahit konting oras ako nama’y makapagpahinga.

Isang oras din akong tumigil sa kanilang tahanan
At pagkatapos noon, muli akong nagpaalam
Ang sabi ko sa kanila akoy may patutunguhan
kailangan ko pong magmadali, hindi po ako pwedeng magtagal.

Naglakad na muli ako at tinungo ang kahit saan
Hanggang masalubong ko/ ang mga babaeng naggagandahan
Mukhang mayayamang guro sila/ sa ayos ng pananamit
Kitang kitang sa katawan/ dahil sa mga gintong  nakadikit.

Binati ko sila/ ng “magandang umaga po!”
At binati  rin nila ako na may ngiti sa nguso
Sila pala sina ma’am Kaycee, Melodie, Mae, Ymai, Cristina at Nicole
Mga guro sila ng Oriental Mindoro National High School.

Dahil nagmamadali sila/ kaya di ko sila nakausap
At nagtuloy tuloy na lamang ako sa aking paglalakad
Isang mag-asawa ang aking nasalubong agad
May dalawa silang anak na ubod ng tangkad

Sila si Sir Anthrix at si Ma’am Mariah
Ang nagmamahalang tunay sa isa’t isa
Sa harap ng Dyos, sa krus na banal
Ang kanilang pag-iisang dibdib ay itinanghal

Nagbunga ang kanilang masidhing pagmamahalan
Dalawang angel na biyaya ang kanilang nakamtan
Isang lalaki at babae na ubod ng katangkaran
Manang-mana talaga sa haligi ng tahanan.

Saglit ko lang sila naka-usap dahil sila’y papaalis
Upang  ipakonsulta ni Sir Antrix ang mahal nyang misis
Tatlong buwan na   kasi siyang hindi dinaratnan
Ramdam nilang ang ikatlong angel ay nagpaparamdam

matapos ang pag-uusap namin, itinuloy ko ang lakarin
hanggang isang tahanan ang aking narating
akoy nakiinom sa uhaw ko mandin
at gayundin humingi na rin ng konting pagkain

mag-asawa lamang ang tanging nadatnan ko
sapagkat kanilang anak ay nagtatrabaho
ayon sa kanila, siya ay isang guro rin
na nagtuturo doon sa bansang Yemen

ang pangalan nya’y Sherwin, isang magaling na guro
piniling mangibang bansa upang doon magturo
gusto nyang kumita ng mas malaking pera
upang makatulong sa mga kapatid, sa buong pamilya.

Halos mapaluha ako sa kwento ng kanyang nanay
Sa ibinahagi nya saking karanasan sa buhay
Subalit sinabi nya ,kung hindi dahil sa anak kong iyan
Malamang araw-araw kumukulo  ang aming tiyan

Matapos yao’y pinasalamatan ko silang mag-asawa
Sa pagkain at inumin ibinigay nila sa akin
Sa kwentong punung puno ng aral at saya
Na magiging gabay ko sa aking lakbayin

Muli akong nagpaalam at muling umalis
Dala ang ligaya sa aking dibdib
Muling pinagpatuloy ang aking paglalakad
Hanggang madatnan ko ang isang pangkat


Silay magaganda, makikinis ang kutis
Subalit may dala silang isang sakong kamatis
Sila raw ay magtitinda sa palengke ng bayan
Upang kita nila ay madagdagan

Subalit sila pala ay mga propesyunal na guro
Sa Unibersidad ng Batangas doon sila nagtuturo
Sina ma’am Carlyn,Edlyn,Jenny, Lhalyn, Dulce at Rhea
Mga guro sa paaralan pero sa labas ay tindera.

Lubos akong humahanga sa kanilang barkada
Hindi sila nahihiya,bagkus ipinagmamalaki pa nila
Sabi nga nila, “di kami dapat maging mahiyain”
Ang dapat mahiya ay yong masama ang gawain.

Muli na naman akong nagpaalam, at yumaon na namang muli
Na may ngiti at saya sa aking mga labi
Subalit isang kaguluhan ang aking nadaanan
Lumapit ako at sa kanila ako’y nakipagtsimisan

Sabi ko “anong meron?” tanong ko sa isang lalake
Sabi niya  may artista, may mga artistang babae
Sabi ko, sino sila? Sabi nya si Milky ,Lecel, Shiena at Rosalie
Sila yung mga nanay na nanalo sa Bet on your baby.

Bakit kayo naririto at silay pinagkakaguluhan
Sabi nya sakin, “baka sakaling kami’y maambunan
Mayayaman na kasi sila dahil sa napanaluhan
Na tig-iisang milyong piso, at mamagarang tahanan

Nakiagaw din ako ng mamigay ang tatlo
Maswerte naman ako’t nakakuha ng tatlong libo
Umalis na kaagad ako at bumili ng bisikleta
Upang kahit sa konting pagod sa akin ay makabawas sya.

Agad ko itong sinakyan at pinatakbo ng matulin
Hanggang isang lumang simbahan ang aking narrating
May mga tao sa loob na wariy nanalangin
At mga tao sa labas na wari’y nanginginain

Hindi  ko maintindihan kung bakit pag pagkain ang pag-uusapan
Di ako pahuhuli ,hindi nyo ako mauunahan
Kung kayat sa halip na  pumasok at manalangin sa simbahan
Ay bumili na lamang ako ng limang mainit na suman.

Nakiupo ako sa isang tabi, at dooy sinagpang ko ang suman
Hanggang kinausap ako ng katabi kong ang ngalan nya daw ay Armand
Ang sabi nya sakin” aba totoy dahan-dahan
Malayo dito ang tubig at baka ikaw ay mabul
unan

Naku salamat po sa inyong pagalaala
Subalit maaari po ba kayong aking makilala
Agad niyang sinabing akoy isang punong guro
sa Good Shepherd Academy kung saan ako unang nagturo

maya maya pa’y may mga dumating na guro saming tabi
sina ma’am harline, cristel, anjie,shiela, Marianne at Aubrey
tinanong ko si sir armand kung doon din sila nagtuturo
at sinabi niya”oo, sila ang magagaling kong guro.

Kinamayan nila ako at pagkatapos silay nagpaalam
Dahil magtuturo pa raw sila sa kanilang paaralan
Subalit bago sila umaalis may salita silang iniwan
Kung mag-aaral daw ako akoy kanilang tutulungan

Akoy natulala at napaisip ng malalim
Hanggang dalawang lalaki ang lumapit sa akin
Totoy gutom kana ba tara sumama ka samen
Mukhang tulala ka na riyan,”hindi ka ba kumakain?

Syempre nagyabang ako,kahit akoy busog na busog pa
Sabi ko” sige po, saan po ba tayo pupunta?
Sabi nila”malapit lang, katabi ng aming opisina
Masarap dun ang pagkain,at ang lugar, maliwalas pa

Tinanong ko ang dalawa kung anong pangalan nila
At ang sabi “Kami si randel at mark, magkasosyo kaming dalawa
May negosyo kaming pagawan ng papel de hapon
Ang nagsusuplay sa buong MIMAROPA at CALABARZON

Hindi ko na naituloy ang pagtatanong sa kanila
Dahil unti-unti nang nanlalabo ang aking mga mata
Pumikit na lamang ako,at nang aking mapagmalas
Ang mata nitong araw nakatitig sa’kin sa itaas

Mula sa pagkakahiga sa mapipinong buhangin
Ako ay bumangon at nag-isip ng taimtim
Minasdan ko ang paligid,tinanaw ko ang dalampasigan
At aking napagtanto,ako pala’y nangarap lang

Subalit hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko
Na parang luha ng kasiyahan, ang luha ng ligaya ko
Mula sa isang tabi ay dumampot ako ng maliit na bato
Binulungan at pagkatapos sa dalampasiga’y inihagis ko

Hindi muna ako umalis at hinintay ko ang gabi
Hihintayin ko ang bulalakaw na lilitaw sa kalawakan
At mula sa kanya ako ay magsasabi
Na tuparin niya lahat ang aking kahilingan

Tanggap ko na sa sarili ko, hindi kita makakamit
At kahit habulin ka’y hindi ako makakalapit
ngunit sa paglisan ko sa lugar ng aking kaligayahan
Ang bulalakaw ay pumatak sa dalampasigan.


MARAMING SALAMAT PO!


                                                     …
-Chad_effect-


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang Sining ng Pagtula

Kayraming manunulat sa tula ay nagturan Upang bawat tao sila ay malinawan Subalit sa kabila ng kanilang binitawan Silay bigo pa rin sa mga batayan At halos lahat ng kanilang mga pagpapakahulugan Ay naaayon lamang sa kanilang kaisipan Kaisipang kung paano naging makabuluhan, Nadama at nalikha itong akdang pampanitikan Ayon kay Balmaceda, ang tula’y isang kaisipan Naglalarawan sa ganda, kariktan, at kadakilaan Tatlong bagay na kailangang ito ay mapagtuunan Upang pagtawag sa tula’y maangkin ang karapatan Ang pagtula’y sinasabing isa ring panggagagad Sa pagguhit ,paglililok at pagtatanghal ay nakakatulad Kasangkapa’y mga salitang siyang magiging alagad Sa kabilang daigdig na ang buhay ay sariling pangarap. Ayon pa sa nagturan, ang tula ay panawagan Ng puso at damdaming nakakubli sa karimlan At tanging ang tula ang may kakayahan Na makapagpahayag ng mga nilalaman Walang katapusang pagbibigay ng mga katuturan Sa sinumang nakadarama nitong kagandahan Sa pagkakadib...

Ang Tradisyong Pabigkas

Bago pa man dumating ang mga Kastila Yaman ng Panitika’y taglay na nitong bansa Isa nga sa kayamana’y tinatawag na tula May sa anyong pasulat at pasalin-dila Ating bibigyang-pansin ay isang anyo lamang Sa paghahasik ng karunungan, ito ang unang paraan Dahil ang lapis at papel noong nakaraan Ay hindi pa kilala sa balat ng lipunan Kilala nga itong bansa  sa pagkakaroon ng mga makata Na kung saan kahit musmos ay marunong tumula Dahil sa mga Ninuno na siyang humubog at humasa Kung kaya’y produkto ngayon,hindi mabilang na mga akda Itong tradisyong pabigkas nakilala sa kapuluan Sa unang Tulang Tagalog, noong kapanahunan Nahati nga ito sa dalawang katawagan At ito ay patugma at kantahing-bayan. Binubuo ng dalawa  o apat na taludtod Magkaminsan ay may sukat ang dulo’y magkasintunog At ito’y inihalintulad sa mga kasabihan Tinatawag nga sa wikang Ingles na, “Mother Goose Rhymes” Sa paglilibang ng mga paslit sinasabing ito’y nag-ugat Mga salitang tugma-tugma n...

LARO

(Piyesang nagwagi sa isang patimpalak ng talumpati sa anyong panulaan) Isang araw noon, ako’y  ginulantang Nang isang balitang ‘di ko inaasahan Ang lugar kung saan ako nananahan Binulabog ng isang malagim na digmaan Ramdam ko ang takot sa kinatatayuan ko At wari ang lahat,sa isip ko’y gulong-gulo May takot na  baka ang mahal na ina ko Biktima ng karahasang nangyari sa nayon ko Pinilit kong akoy magtungo sa amin Upang aking malaman ang sinapit nya mandin Garalgal kong iginayak, ang lahat sa akin Upang aking malunasan ang kaba sa damdamin Tatlong hakbang  na lang mula sa’king kinatatayuan At sasapitin ko na ang bukas naming pintuan Subalit sa paglapit ay aking nasilayan Ang Ina kong malamig na, ang buong katawan Inay!gumising ka,anong nangyari sayo Sinong gumawa nito,saken ay sabihin mo Di ba sabi mo sakin masaya ka pagbalik ko Pero bakit kay lungkot iniwan mo na ako Anong dahilan nila bakit kayo pinatay Sa dinami-rami ng tao, kayo pa ang idinama...