(Piyesang nagwagi sa isang patimpalak ng talumpati sa anyong panulaan)
Isang araw noon, ako’y ginulantang
Nang isang balitang ‘di ko inaasahan
Ang lugar kung saan ako nananahan
Binulabog ng isang malagim na digmaan
Ramdam ko ang takot sa kinatatayuan ko
At wari ang lahat,sa isip ko’y gulong-gulo
May takot na baka ang mahal na ina ko
Biktima ng karahasang nangyari sa nayon ko
Pinilit kong akoy magtungo sa amin
Upang aking malaman ang sinapit nya mandin
Garalgal kong iginayak, ang lahat sa akin
Upang aking malunasan ang kaba sa damdamin
Tatlong hakbang na lang mula sa’king kinatatayuan
At sasapitin ko na ang bukas naming pintuan
Subalit sa paglapit ay aking nasilayan
Ang Ina kong malamig na, ang buong katawan
Inay!gumising ka,anong nangyari sayo
Sinong gumawa nito,saken ay sabihin mo
Di ba sabi mo sakin masaya ka pagbalik ko
Pero bakit kay lungkot iniwan mo na ako
Anong dahilan nila bakit kayo pinatay
Sa dinami-rami ng tao, kayo pa ang idinamay
Mga nilalang silang masasama ,silang dapat ipapatay
At kayong mabubuti’y pinapahaba pa ang buhay
Huwag kang mag-aala inay,hahanap ako ng paraan
Upang maibigay sayo ang tunay na katarungan
At kayo, kayong lahat mga walang puso at laman
Hindi nyo man lang tinulungan nanay ko eh kanina pa kayong nariyan
Sino sino sa inyo,sino sa inyo ang pumaslang
Mga kunwariy pa kayo walang alam, mapalinlang
Ikaw, alam ko…wag ka nang magmaang maangan,
eh kahit cnong tanungin ditoy halata naman ilong pa lang
Pwes,nangyari na ang lahat wala na tayong magagawa
sa gisingin ko sya ng gisingin, muubos lang aking luha
inay!inay!inay! gumising ka nga!
Hindi ko po makakaya pag ikay nawala
Lagi kong naaalala ang mga pagkakataong ito
Lalo na ‘pag akoy nag-iisa loob ng
aking kwarto
ewan ko ba,,kinahiligan ko na yata ito
ang magdrama kapiling ang mahabang unan ko.
Minamahal kita
ni Bb. Marline D. Dudas
Himig ni: G. Richard L. Silva
Kapag ang puso ko’y nalulungkot at nagdurusa
Laging pumapatak ang luha ko sa’king mga mata
Pilitin ko mang kalimutan ka, subalit ika’y naaalala
Ika’y minamAhal ko at wala ng iba.
Laging nagtitiis kahit akoy walang kapiling
Langit ang kaulayaw ko habang mga tala ay nagniningning
Habang ikaw ay papalayo, ramdam ang sakit sa’king damdamin
Hindi ko makakaya ang mawalay ka sa akin
Korus: Ang buhay ko ay ang pag-ibig mo
Kapag nawala ka ay wala na rin ako
Paano ko ito kakayanin,kung patuloy kitang iibigin
Dahil hangga’t nandyan ka pa, ika’y aking mamahalin.
Sanay naririnig mo,ang himig ng tibok ng puso
Labis na nasasaktan dahil sayong mabilis na paglisan
Kung di mo ako mahal ako pa rin sayo’y maghihintay
Kahit sa pintuan man ng aking kabilang buhay.
Ang puso koy laging hinahanap ka at ang hiling nito’y ika’y makita na
Ang tanging dasal sa Diyos Ama ang puso mo sakin ay umibig na
dahil hangga’t may pag-asa pa, minanamahal kita
Hangga’t mahal kita,,ikaw lamang wala ng iba

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento