Sa bawat gabi ng araw na nagdaan
Mababakas ang luha ng munting kalungkutan
Sa pagtanaw ko minsan sa bituing makinang
Ginuguhit ang saya sa langit ng karimlan.
Saya ay kay hirap hanapin sa mundo
Mapagkubli ang nilalang, may kunwari at totoo,
Sa mundo ang buhay ay minsan lang tatao,
Dumaan ka sa daang may pag ibig ang dulo...
Kunwaring pagngiti ay hindi sukatan
Nang ligayang lulunas sa pinagdaraanan,
Sa labi'y sambitin ang katotohanang,
Masakit maiwan ng taong sobra mong minahal...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento