Lumaktaw sa pangunahing content

Ikaw at Ako

 

Habang pinagmamasdan ko ang gabi

 Ay lagi kitang naalala,

Bawat bituin ay bahagi ng ating masasayang pagsasama,

Kislap na walang kapareha

Kislap na walang katumbas na ligaya

Kaya….

Nung makilala kita

Nung makasama kita

Pakiramdam ko ikaw ang langit ko sa tuwina…

Malaya…

Oo, dahil sayo natutuhan kung maging Malaya..

Malaya sa sakit..

Malaya sa hapdi

Malaya sa kirot ng lungkot at hinagpis…

Dahil sayo…

Natutuhan kong lumaban sa kabiguan..

Natutuhan kong iguhit ang masayang larawan

Natutuhan kong inumin ang gamot ng nakaraan

Sa ngiting ngayon ko lang natagpuan

Ikaw lang, sapat na…

Ikaw lang, mahal ko, walang iba.


Nagkatagpo tayo sa di inaasahang pagkakataon,

Panahong kailangan natin ng pagdamay

Sa luha at gabi lang tayo tumatagay..

Hilong nakikiusap sa kawalan

Walang salitang binibitawan..

Mga sakit ang nararamdaman…

nGunit biglang nag ugnay ang ating paningin…

Biglang may naramdaman…

Kumakalma mula sa sakit..

Nawawala ang pait..

Makulit at kumakapit..

Di maiwasan ngunit nagkakilala..

Doon nagsimula ang paghilom

Unti unting lumilipas ang sakit ng kahapon..

Mas piniling  bumangon..

Di man sinasadya, ngunit tila tinadhana..

Sa isang iglap ay nagmahal muli

Di natakot na bka maulit ang huli

Ngunit mas pinili ko ang magmahal

Mas pinili kong makinig sa puso ko..

Mas pinaubaya ko ang sarili ko..

Sa kung ano ang alam ko

At sinasabi ng puso ko..

Oo nagmahal muli ako.

Oo nagmahal ako

Dahil alam kong kailangan ko..

aT kailangan nya ako..

Lagi kong pinakikinggan ang ating awit…

Awit na humihilom sa sugat ng kahapon…

Awit ng ating mga pangarap na gusto nating matupad

Sa hinaharap…

Sa hinaharap na tayong dalawa ang magkasama

Na tayong dalawa ang magkahawak ng kamay..

Sa dambana ay susumpang di maghihiwalay..

Siyang magiging tunay..

Makulay…

Tulad ng bahaghari sa gitna ng ulan at araw

Ay sabay nating makikita at matatanaw

Na balang araw..

Ako at ikaw

Walang iba…

Ako at ikaw lang habang buhay.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang Sining ng Pagtula

Kayraming manunulat sa tula ay nagturan Upang bawat tao sila ay malinawan Subalit sa kabila ng kanilang binitawan Silay bigo pa rin sa mga batayan At halos lahat ng kanilang mga pagpapakahulugan Ay naaayon lamang sa kanilang kaisipan Kaisipang kung paano naging makabuluhan, Nadama at nalikha itong akdang pampanitikan Ayon kay Balmaceda, ang tula’y isang kaisipan Naglalarawan sa ganda, kariktan, at kadakilaan Tatlong bagay na kailangang ito ay mapagtuunan Upang pagtawag sa tula’y maangkin ang karapatan Ang pagtula’y sinasabing isa ring panggagagad Sa pagguhit ,paglililok at pagtatanghal ay nakakatulad Kasangkapa’y mga salitang siyang magiging alagad Sa kabilang daigdig na ang buhay ay sariling pangarap. Ayon pa sa nagturan, ang tula ay panawagan Ng puso at damdaming nakakubli sa karimlan At tanging ang tula ang may kakayahan Na makapagpahayag ng mga nilalaman Walang katapusang pagbibigay ng mga katuturan Sa sinumang nakadarama nitong kagandahan Sa pagkakadib...

Ang Tradisyong Pabigkas

Bago pa man dumating ang mga Kastila Yaman ng Panitika’y taglay na nitong bansa Isa nga sa kayamana’y tinatawag na tula May sa anyong pasulat at pasalin-dila Ating bibigyang-pansin ay isang anyo lamang Sa paghahasik ng karunungan, ito ang unang paraan Dahil ang lapis at papel noong nakaraan Ay hindi pa kilala sa balat ng lipunan Kilala nga itong bansa  sa pagkakaroon ng mga makata Na kung saan kahit musmos ay marunong tumula Dahil sa mga Ninuno na siyang humubog at humasa Kung kaya’y produkto ngayon,hindi mabilang na mga akda Itong tradisyong pabigkas nakilala sa kapuluan Sa unang Tulang Tagalog, noong kapanahunan Nahati nga ito sa dalawang katawagan At ito ay patugma at kantahing-bayan. Binubuo ng dalawa  o apat na taludtod Magkaminsan ay may sukat ang dulo’y magkasintunog At ito’y inihalintulad sa mga kasabihan Tinatawag nga sa wikang Ingles na, “Mother Goose Rhymes” Sa paglilibang ng mga paslit sinasabing ito’y nag-ugat Mga salitang tugma-tugma n...

LARO

(Piyesang nagwagi sa isang patimpalak ng talumpati sa anyong panulaan) Isang araw noon, ako’y  ginulantang Nang isang balitang ‘di ko inaasahan Ang lugar kung saan ako nananahan Binulabog ng isang malagim na digmaan Ramdam ko ang takot sa kinatatayuan ko At wari ang lahat,sa isip ko’y gulong-gulo May takot na  baka ang mahal na ina ko Biktima ng karahasang nangyari sa nayon ko Pinilit kong akoy magtungo sa amin Upang aking malaman ang sinapit nya mandin Garalgal kong iginayak, ang lahat sa akin Upang aking malunasan ang kaba sa damdamin Tatlong hakbang  na lang mula sa’king kinatatayuan At sasapitin ko na ang bukas naming pintuan Subalit sa paglapit ay aking nasilayan Ang Ina kong malamig na, ang buong katawan Inay!gumising ka,anong nangyari sayo Sinong gumawa nito,saken ay sabihin mo Di ba sabi mo sakin masaya ka pagbalik ko Pero bakit kay lungkot iniwan mo na ako Anong dahilan nila bakit kayo pinatay Sa dinami-rami ng tao, kayo pa ang idinama...