Nagkamali si KupidL!
Richard L. Silva
IV-A2-BSED-Filipino
Mahirap
magkunwari sa nararamdaman
Lalo
na’t mahal mo siya nang lubus-lubusan
Kahit
anong gawin upang siya’y makalimutan
Mas
lalong tumatatak sa puso’t isipan
Sa
tuwing makikita ko s’ya, pilit kong ‘di pinapansin
Upang
kanyang maramdamang ako’y wala nang pagtingin
Subalit sa aking ginagawa, ako lamang ang nasasaktan
Ako
lamang ang sumusuko, ako lamang ang nahihirapan
Bakit
kasi naitala ka pa sa kwento ng pag-ibig ko?
Bakit
ikaw pa ang itinibok nang nagmamahal na puso ko?
Sa
dinami-rami ng babae na pwede kong mahalin
Bakit
ikaw ang napili na dapat kong ibigin?
Luha
nga at pighati ang sa akin ay naiwan
Ipinagkait
ni Kupido ang aking kaligayahan
Sana
naman sa susunod na gamitin niya ang palaso
Patamaan
n’ya sa pusong handang mahalin din ako.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento