Sinayang na Buhay
Richard
L. Silva
IV-A2-BSED-Filipino
Isang patak ng luha para sa kalungkutan
Isang patak ng tubig sa tigang na lalamunan
Isang patak ng alak sa kanyang kalasingan
Isang patak ng dugo sa kahinahunan
Sa kalungkutan may isang patak ng
luha
sa lalamunang tila natigang na lupa
dinaluyan ng alak at siya ay nalasing
pinatay s’ya’t ngayon sa langit ay
nagising.
Tinanaw ang baba, minasdan ang lupa
Nakitang ang mga tao’y sa kanya nagluluksa
Subalit sa mga mata’y di man lang napansing
May tumulong luha, tanda ng paninimdim
Siya’y makasalanang anak ng Diyos
Kapalaran niya’y kanyang tinubos
Ang tingin ng lahat sa kanya’y
waldas
Sapat lang na buhay niya ay wala ng
bukas.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento