Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2022

 Tatlong guhit

Sa tatlong guhit lamang aking sisimulan Ang obra maestra na aking pinagmulan Sa kulay ay bigong matutuklasan Ang hiwaga ng tunay na nararamdaman Sa tatlong guhit lamang aking bubuoin Ang mukha ng bagsik ng mundong kay sakim Na kahit kulayan ay sadyang magdidilim Sa uhaw na kulay ay may kagat ng talim Sa tatlong guhit ko lang ito malalaman Ang tanong na kay hirap mapagliming sagutan Saan bang bahagi  aking matatagpuan Ang lugar ng tunay na kaligayahan? Sa tatlong guhit pala ay may pagkasawi Sa kulungang ang rehas ay pamimighati May pusong matigas sa pagkukunwari Kung bahagyang tatakas ay lalong kukubli Sa tatlong guhit na rin ako magmamahal Ngunit sa panahong walang makaaalam Maigting ang pisi sa puso ng lalang Sa takot na hidwa ang kahihinatnan Sa tatlong guhit ako madalas tumingin Sa malayang saya at kislap ng bituin Sa apat na sulok ay makatlong isipin Mahirap magbasa kung mahirap unawain Sa tatlong guhit lamang muling magbabalik Ang wagas na pag-asa sa hangganan ng sakit Sa dako...

 Imik ng Iniwan 

Sa bawat gabi ng araw na nagdaan Mababakas ang luha ng munting kalungkutan Sa pagtanaw ko minsan sa bituing makinang Ginuguhit ang saya sa langit ng karimlan. Saya ay kay hirap hanapin sa mundo Mapagkubli ang nilalang, may kunwari at totoo, Sa mundo ang buhay ay minsan lang tatao, Dumaan ka sa daang may pag ibig ang dulo... Kunwaring pagngiti ay hindi sukatan Nang ligayang lulunas sa pinagdaraanan, Sa labi'y sambitin ang katotohanang, Masakit maiwan ng taong sobra mong minahal...

Larawan

  Gabi nga ay masakit at ang luha’y dumaraan Ang mukha’y kung iguhit ay malungkot na larawan May dilim ang paligid na ‘di dilim ng nakaraan. Darating ba ang bukas na may payapa kay Juan? Hindi pa man ako nagigising sa aking pagkakaidlip, Masaya pa ang maglakbay sa munting panaginip, May ngiti pa ang araw, may naglalarong yagit, May malaya pang buhay at malayo sa sakit. Sa sandali na ang buhay ay ang pinakamahalaga Malasakit ang kailangan at pagmamahal sa isa’t isa Ang kailangan ng bayan ay ang kalingang madarama Sa panahong ang pasanin ay may bigat na dala. Anupa’t may bayaning handang ialay ang buhay Lumulusob sa laban na walang mukha ng kaaway Ang sandata ay ang puso ng pagmamahal sa bayan Kahit ang kapalit ay buhay na mapaparam. Sa bawat paghihirap na kanilang sinasakripisyo Ay may gamot ng pag-asa sa bawat Pilipino May sugat ma’t sakit ang kapiling ng buong mundo Darating din ang araw na maghihilom ito. Sa kabila ng pagsubok, sa pagkalam ng tiyan Ay may bukas na palad na handan...

Ikaw at Ako

  Habang pinagmamasdan ko ang gabi  Ay lagi kitang naalala, Bawat bituin ay bahagi ng ating masasayang pagsasama, Kislap na walang kapareha Kislap na walang katumbas na ligaya Kaya…. Nung makilala kita Nung makasama kita Pakiramdam ko ikaw ang langit ko sa tuwina… Malaya… Oo, dahil sayo natutuhan kung maging Malaya.. Malaya sa sakit.. Malaya sa hapdi Malaya sa kirot ng lungkot at hinagpis… Dahil sayo… Natutuhan kong lumaban sa kabiguan.. Natutuhan kong iguhit ang masayang larawan Natutuhan kong inumin ang gamot ng nakaraan Sa ngiting ngayon ko lang natagpuan Ikaw lang, sapat na… Ikaw lang, mahal ko, walang iba. Nagkatagpo tayo sa di inaasahang pagkakataon, Panahong kailangan natin ng pagdamay Sa luha at gabi lang tayo tumatagay.. Hilong nakikiusap sa kawalan Walang salitang binibitawan.. Mga sakit ang nararamdaman… nGunit biglang nag ugnay ang ating paningin… Biglang may naramdaman… Kumakalma mula sa sakit.. Nawawala ang pait.. Makulit at kumakapit.. Di maiwasan ngunit nagkaki...