Saan man hahantong itong gabing tigib
Sa lunday ng pag-asa'y may nawaksing ligalig
Kulay na mistulang napagtantong magpapalit,
Ay kulay na ayoko nang gamiting pang paulit-ulit.
Kung ang buhay ay sadya ngang kumakalmang parang dibdib
Sa puso ko'y tumitibok ang gitarang walang awit
Hahaplusin ang sandatang kahit sumusukong pilit,
Patuloy lang na lalaban kahit walang hanggang sakit.
Lilipas nga ang tag-araw at darating ang tag-ulan
Bawat patak ay sadali ng hahawaning karimlan
Bangka man kung maagos ay madaling magdaratal
Kahit gabi ay sasapit ang umagang marangal.
Lalakas, maghihina, lalaban, at susuko,
Ang pag-asa'y hinihilang papalapit, papalayo,
Kumakalma nga ang dibdib ngunit hindi ang puso,
Naghihilom man ang sugat, sa loob ay nagdurugo.
Kahit nga ang bato, anong tigas man ang hambing,
Maaagnas, madudurog sa patak ng kulimlim,
Matibay man ang punong binaon nang malalim,
May pag-asang humandusay sa bagyong darating.
At hindi nga titigil, patuloy lang na hahadlang,
Ang takot ay pumipintig sa pulso ng orasan
Ang pagod nga ay isang sakripisyong matatanaw,
Kumapit ka lamang sa Kanya, at huwag na huwag kang Bibitaw..❤💖💖

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento