Ako’y puno ng kahulugan, Sa ibabaw ng pinggan, ako’y sumasamba, Malawak ang wala kesa mayroon, Di ko lubos maisip kung paano ko nalampasan ang kahapon, Bawat segundo ay walang tapon, Bawat salok ng kutsara ako’y sumasamo, Alam kong hindi ako masasayang, kung malaglag ako sa sahig, at mabigong kumapit sa kutsara, Nag-aabang ang tuka ng mga tinali ni Ama, At sa mga tiyan nila ako mapupunta, Makabuluhan pa rin ako sa kaniya, Hindi ako walang kuwenta, At kung wala man kumain sa akin, Pataba ako sa mga halaman, Mabubulok ako para manariwa ang iba, Na kung wala ako ay walang magbubunga, Walang sustansiya, wala ka! At walang salitang tulad nito, tulad nila, Walang kapangyarihan ang tula sa hapag-kainan Walang mahahabing malalim na titik kasabay ng masarap na ulam, Hindi lang ako mumong tira-tirahan, Pampuno rin ako sa mga pagkukulang, Kainin man ako o hindi, Bali-baliktarin man ang mundo Alam ko at alam ninyo! Ako’y may saysay at halag...