Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2016

BESPREN

------ Bespren ------ Richard L. Silva IV-A2-BSED-Filipino Lagi ko siyang kasama, kahit araw at gabi Tagauntog ng ulo ko kapag di ako mapakali Tagatama ng lahat ng mali kong ginawa Tagapagtaggol kapag ako’y inaapi’t dinudusta Lagi siyang naririyan ,hindi ako iniiwan Kasabay ko sa pagpasok kahit paglabas ng paaralan May mga nagsasabing parang kami’y magkasintahan Pero ang totoo, matalik kaming magkaibigan Sa kanya ko sinasabi ang lahat ng lihim ko Ang tungkol sa lahat ng pinakatatago ko Sa kanya ko ibinigay ang buo kong tiwala Na siyang mag-iingat upang huwag masira Sa ngayon kami ay lubha pa ring matatag At alam kong ‘di dadating ang pagtitiwalag Sa pagkakataong ito, nabigo ako sa pag-ibig

SINAYANG NA BUHAY

Sinayang na B u h a y Richard L. Silva IV-A2-BSED-Filipino Isang patak ng luha para sa kalungkutan Isang patak ng tubig sa tigang na lalamunan Isang patak ng alak sa kanyang kalasingan Isang patak ng dugo sa kahinahunan Sa kalungkutan may isang patak ng luha sa lalamunang tila natigang na lupa dinaluyan   ng alak at siya ay nalasing pinatay s’ya’t ngayon sa langit ay nagising. Tinanaw ang baba, minasdan ang lupa Nakitang ang mga tao’y sa kanya nagluluksa Subalit sa mga mata’y di man lang napansing May tumulong luha, tanda ng paninimdim Siya’y makasalanang anak ng Diyos Kapalaran niya’y kanyang tinubos Ang tingin ng lahat sa kanya’y waldas Sapat lang na buhay niya ay wala ng bukas.

TUNAY NA PAG-IBIG

Tunay na Pag-ibig Nabubuhay ako/ dahil lamang sayo Kapag nawala ka/ mamamatay ako Kung ang pag-ibig mo/ ay di ko makamtan Puso ko’y iiyak/ sa aking libingan Sana kung malaman /na kita’y iniibig Ang iyong katuwaa’y/ abot hanggang langit Subalit kung hindi’t puso’y nanglalait Sana’y matutunang sakin ay umibig Hindi ko hiniling/ na ika’y mahalin Dahil ang nagturo/ ay aking damdamin Ika’y ‘sang diwatang/ saki’y nanlalabing Sa aking panaginip/ sa gabing madilim Kung ikaw sa puso ko’y/ di ang tadhana At sa’king panaginip/ ika’y mawala Asahan mong buhay/ at di mamamatay Itong pag-ibig kong/ alay sayong tunay Hunyo 08, 2014

NAGKAMALI SI KUPIDO

Nagkamali si   Kupid L ! Richard L. Silva IV-A2-BSED-Filipino Mahirap magkunwari sa nararamdaman Lalo na’t mahal mo siya nang lubus-lubusan Kahit anong gawin upang siya’y makalimutan Mas lalong tumatatak sa puso’t isipan Sa tuwing makikita ko s’ya, pilit kong ‘di pinapansin Upang kanyang maramdamang ako’y wala nang pagtingin Subalit   sa aking ginagawa, ako lamang ang nasasaktan Ako lamang ang sumusuko, ako lamang ang nahihirapan Bakit kasi naitala ka pa sa kwento ng pag-ibig ko? Bakit ikaw pa ang itinibok nang nagmamahal na puso ko? Sa dinami-rami ng babae na pwede kong mahalin Bakit ikaw ang napili na dapat kong ibigin? Luha nga at pighati ang sa akin ay naiwan Ipinagkait ni Kupido ang aking kaligayahan Sana naman sa susunod na gamitin niya ang palaso Patamaan n’ya sa pusong handang mahalin din ako.